Inaresto ng mga kapulisan ang anak ni NBA legend Kareem Abdul-Jabbar na si Adam dahil as pananaksak sa kapitbahay.

Nahaharap na ng kasong 1 count of assault with deadly weapon ang 28-anyos na si Adam dahil sa insidente.

Ayon sa mga kapulisan, nirespondehan nila ang tawag sa kanila ng pananaksak sa San Clemente, California.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na siya na ring nagtakbo ng sarili nito sa pagamutan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring insidente.