Nasampahan na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng Article 2 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.
Bukod pa dito ay nasampahan na rin ito ng kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Dagdag pa ni Carreon na ang mga kaso ay isinampa ng Las Piñas City Prosecutor’s Office nitong Huwebes ng umaga.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA detention facility nila si Remulla at hihintayin nila ang kautusan mula sa korte.
Naaresto si Remulla dahil sa pagkustodiya ng kush o tinatawag na mga high grade marijuana.
Magugunitang tiniyak ng ama nito na si DOJ Secretary Remulla na hindi ito makikialam sa kasong kinakaharap ng anak.