-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Opisyal nang inalis ng Australia ang kanilang biosecurity restrictions sa pag-aangkat ng karne ng baka mula sa Estados Unidos, na nagtapos sa matagal nang balakid sa kalakalan dahil sa mga pangamba kaugnay ng mad cow disease.

Ayon kay Bombo international correspondent Denmark Suede, direkta mula sa Sydney, Australia, napakahalaga nito dahil kilala ang Australia sa mahigpit na pagpapatupad ng mga biosecurity measures.

Mula nang lagdaan ang Australia-US Free Trade Agreement noong 2005, pinayagan ang pagpasok ng karne ng baka mula Estados Unidos sa Australia, ngunit nahinto ito noong 2019 matapos matukoy ang kaso ng mad cow disease na posibleng nagmula sa mga bakang galing Mexico at Canada na kinatay sa Amerika.

Ito ay paglabag sa kanilang kasunduan, na ngayon ay tiniyak ng Estados Unidos na kanila ng iiwasan.

Bagama’t muling pinayagan ng Australia ang pagpasok ng karne ng baka mula Amerika, naniniwala ang marami na hindi pa rin ito bibilhin ng mga Australyano dahil sila ay may pinakamalinis na karne ng baka sa buong mundo.