Itinuturing na isang malaking karangalan kay Filipino-American at Miami Heat Coach Erik Spoesltra na mapili bilang bagong head coach ng NBA Basketball Team.
Pormal ng kinumpirma kasi ng USA Basketball board of directors ang pagiging head coach ni Spoelstra para sa 2027 World Cup sa Qatar at sa 2028 Olympics sa Olympics sa Los Angeles.
Papalitan niya si Steve Kerr na nagtapos ang pamamahala matapos na makamit ng USA Basketball Team ang ikalimang magkakasunod na Olympics gold medals noong Paris Games 2024.
Ayon kay two-time NBA champion at long-time Heat coach na isang karangalan sa buong buhay ang mapili bilang head coach.
Lalo pang kasabik-sabik na sa US pa gaganapin ang Olympics na may tsansa silang maidepensa ang kanilang titulo.
Personal din na pinili ni USA Basketball men’s national team managing director Grant Hill si Spoelstra para maging head coach.
Si Spoelstra ay naging coaching staff na ni Kerr mula pa noong 2023 World Cup na ginanap sa Pilipinas at noong 2024 Olympics.
Siya na ang magiging pangatlong head coach ng USA na ang Olympics ay sa sariling bansa gaganapin.
Una kasi ay si Bob Knight na nasungkit ang gintong medalya sa Los Angeles noong 1984 at si Lenny Wilkens na nagwagi ng gold medals noong 1996 sa Atlanta.