-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating actor at politician na si Patrick Dela Rosa sa edad na 64 sa California, USA.
Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Dr. Marlon Gilbert Dela Rosa subalit hindi na nagbigay pa ng detalye sa kamatayan ng actor.
Maging ang Provincial Information Office ng Orienal Mindoro kung saan naging Board Member ang actor ay nagpaabot sila ng pagdadalamhati.
Nakilala ang actor sa mga pelikula noong dekada 80 at 90.
Ilan sa mga pelikula kung saan kasama siya ay ang “Ex-Con” , “Ping Lacson: Super Cop”, “Kristo” , “Suspek” at maraming iba pa.














