Gumanti ang US military ng airstrikes sa eastern Syria kasunod ng pinakawalang drone attack na kumitil sa isang American contractor at ikinasugat ng limang US service personnel.
Ayon sa Department of Defense, nasawi ang US contractor at nasugatan ang iba pang indibidwal matapos tumama ang one-way unmanned aerial vehicle sa isang maintenance facility sa Coalition base malapit sa Hasakah sa northeast Syria.
Ayon pa sa Pentagon, isa pang US contractor ang nasugatan sa nasabing pag-atake kung saan basse sa pag-assess ng US intelligence community ang ginamit na drone ay nagmula sa Iran.
Sinabi din ni Defense Secretary Lloyd Austin na pinayagan ni US President Joe Biden ang pagpapakawala ng airstrikes sa eastern Syria sa mga pasilidad na ginagamit ng mga grupo na may kaugnayan sa Islamic Revolutionary Guards Corps ng Iran.
Una rito, daan-daang mga sundalo ng Amerika ang nakadeploy sa Syria bilang bahagi ng coalition na lumalaban sa mga remnants ng Islamic State (IS) group.