CEBU CITY – Desididong magsasampa ang pamilya ng kasong incestious rape at acts of lasciviousness laban sa isang ama matapos umanong molestiyahin ang pito nitong mga anak sa lungsod ng Talisay, sa Cebu.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Dejamo, 50, at nakatira sa Brgy. Jaclupan ng nasabing lungsod.

Ayon sa deputy chief ng Talisay City PNP na si Major Ardy Cabagnot na unang nahulihan si Dejamo ng illegal firearms matapos itong nakatanggap ng sumbong mula sa mga kapitbahay nito.

Kinalaunan ay dumulog naman sa police station ang mga anak ni Dejamo na may edad na lima hanggang 18-anyos at doon na ikinuwento ang umano’y pangmomolestya ng kanilang ama.

Sinabi ni Cabagnot na ginahasa umano ng ama ang apat na mga anak na babae habang pinalaro naman daw ng tatlong lalaking anak ang ari ng kanilang ama.

Dagdag pa ni Cabagnot, ginagawa umano ng ama ang naturang panghahalay nang makailang beses lalo na kung may lakad ang kanilang ina.

Ayon din kay Major Cabagnot na isasailalim ito sa malalimang imbestigasyon upang malaman kung gumagamit ba umano ang ama ng pinagbabawal na droga.

Nakakulong si Dejamo sa lock-up cell ng Talisay City PNP habang nasa kustodiya naman ng DSWD ang mga anak nito.