-- Advertisements --

Hindi tinanggap ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison ang tigil putukan na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Una rito, sinabi ni Sison na hindi siya naniniwalang tapat ang hangarin ng gobyerno para sa nasabing ceasefire.

Aniya, psywar lamang ito ng Pangulong Duterte para sa kaniyang agenda.

Hirit pa ng CPP founder, dapat munang magpakita ng katapatan ang Duterte government bago nila ito sang-ayunan.

“The NDFP is not assured and satisfied that the reciprocal unilateral ceasefires are based on national unity against COVID-19, the appropriate solution of the pandemic as a medical problem and protection of the most vulnerable sectors of the population, including workers, health workers, those with any serious ailments and the political prisoners,” wika ni Sison.

Nabatid na isinulong ang ceasefire dahil abala ang mga tauhan ng AFP at PNP sa mga itinalagang quarantine checkpoints sa buong Luzon.