-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang mga torneo na nilalahukan ni Pinay tennis star Alex Eala.

Matapos kasi ang bigong unang round sa Wuhan Open sa China ay sa torneo sa Osaka, Japan.

Sa WTA 250 Japan Open sa Osaka ay makakasama niya ang ilang mga bigating pangalan sa tennis gaya nina Naomi Osaka at Leylah Fernandez.

Matapos ang Japan ay babalik ito sa China para sa Guangzhou Open na magsisimula sa Oktubre 20 hanggang 26 at Hong Kong Open mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.

Sa buwan naman ng Disyembre ay magiging pangunahing pambato ng bansa si Eala sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand.