-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng WTA 250 ASB Classic sa Auckland, New Zealand si Pinay tennis star Alex Eala.
Nadomina nito ang laro laban kay Magda Linette ng Poland sa score na 6-3, 6-2.
Umabot lamang ang laro sa loob ng isang oras at 37 minuto.
Ito ang unang panalo ni Eala laban kay Linette dahil sa unang paghaharap nila sa Nottingham noong 2025 at Abu Dhabi noong 2024 ay hindi nagtagumpay ang 20-anyos na tennis star.
Susunod na makakaharap ng ranked 53 na si ranked 57 na si Xinyu Wang ng China.















