Umabanse na sa second round ng 2020 Australian Open juniors tournament si Alex Eala makaraang dominahin ang katunggaling Israeli.

Sa loob ng tatlong sets, sumandal si Eala sa maganda nitong panimula upang itumba ang 18-anyos na si Shavit Kimchi, 6-0, 4-6, 6-2.

Bunsod ng panalo, ito na ang panibagong appearance ng 14-year-old Pinay teen sensation sa ikalawang round ng isang juniors Grand Slam.

Haharapin ni Eala ang kalahok ng France na si Julie Belgraver, na pinakain naman ng alikabok ang Australian na si Mia Repac sa tatlong sets, 1-6, 6-4, 6-3.

Umaasa ang iskolar ni Rafael Nadal na malampasan nito ang kanyang 2nd round appearance sa 2019 US Open juniors tournament.