-- Advertisements --

Napabilang si Pinay tennis star Alex Eala sa mga maglalaro sa 2025 MGM Macau Tennis Masters.

Ang exhibition tournament ay gaganapin mula Disyembre 27 at 28 sa Macau Forum.

Makakasama niya dito ang ilang mga malalaking pangalan sa tennis gaya nina Grand Slam champions Li Na at Conchita Martinez na magsisilbi bilang team captains na mamimii ng makakasamang manlalaro bago ang kumpetisyon.

Kasama ni Eala sa kopoinan sina Li Na, Shang Juncheng at Jack Draper.

Ang nasabing torneo ay ilang linggo matapos ang pagrepresent ng 20-anyos na si Eala ng bansa para sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand na magsisimula mula Disyembre 9 hanggang 20.