-- Advertisements --

Muling nagpakita ng abnormalidad ang Mt. Pinatubo, 30 taon matapos ang nangyaring major erruption.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa alert level 0, itinaas ito sa alert level 1.

Sa ngayon, wala pa umanong indikasyon na sasabog ito agad sa loob ng mga susunod na araw.

Gayunman patuloy itong oobserbahan, para sa kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Huli itong nagkaroon ng pagsabog noong Hunyo 15, 1991, kung saan umabot ang ashfall sa ibang mga bansa.

“Bunsod ng paulit-ulit na paglindol, ang DOST-PHIVOLCS ay nagtataas ng alerto sa Bulkang Pinatubo mula Alert Level 0 patungong Alert Level 1. Ito ay nangangahulugang mayroong bahagyang pagligalig na maaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon. Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari. Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” saad ng abiso mula sa Phivolcs.