Binisita ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle.

Tiniyak ni Albayalde kay Cardinal Tagle, mahigpit na inoobserbahan ng PNP ang human rights at rule of law sa kanilang pinalakas na operasyon ng laban sa iligal na droga.

Binigyang diin ni Albayalde sa Cardinal na naniniwala sila sa diyos at ginagawa ng PNP ang lahat para mapababa ang krimen at magkaroon ng mapayapang komunidad.

Kasama ni Albayalde na bumisita kay Cardinal Tagle si NCRPO chief, CSupt. Guillermo Eleazar at ang limang district police directors ng Metro Manila.

Siniguro naman ni Cardinal Tagle kay PNP chief na isasama niya sa panalangin ang PNP at suportahan kanilang challenging na trabaho.

-- Advertisement --