-- Advertisements --

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang tatlong barangay sa Metro Manila na may pinakamaraming naitalang numero ng kumpirmadong COVID-19 cases.

Batay sa Beat COVID-19 situationer na inilabas ng Health department nakasaad na noong May 2, Biyernes, nangunguna ang Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong sa may pinakamalaking bilang ng mga kaso sa 55.

Sumunod ang Brgy. Tandang Sora, Quezon City na may 52, at Brgy. San Antonio, Paranaque na may 50 confirmed cases.

Ayon sa DOH, ang National Capital Region pa rin ang rehiyon sa bansa na may hawak ng pinakamaraming tinamaan ng sakit.

Mula kasi sa 8,928 total confirmed cases noong Biyernes, 67-percent o 6,008 ang mula sa NCR.

“Still too early to tell whether Enhanced Community Qurantine is effective as reporting delays from symptom onset take around 11 days, but initial imputation analysis seems to suggest that ECQ is keeping new case number steady.”

“Also still too early to tell whether Luzon-wide ECQ is effective.”

Sa ngayon pumalo na sa 9,223 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, batay sa case bulletin na inilabas ng DOH nitong Linggo, May 3.