-- Advertisements --

Iniimbestigasyon na ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring accidental firing sa isang police instructor at isang trainee sa La Union.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, pinare-review na niya ang mga patakaran sa weapons training sa pagsasagawa ng fire exercises.

Ito’y upang hindi maulit ang insidente.

Base sa initial report sa PNP Command Center, nitong Martes sa Regional Traning Center-1 sa Aringay, La Union ay nasagutan sina Police Corporal Benie Dupayat at Patrolman John Conrad Villanueva.

Nagsasagawa umano ng lecture si Dupayat sa Basic Parts of Firearms and Gun Safety Rules sa mga police trainee nang mag-malfunction umano ang demo gun at pumutok sa kamay ni Dupayat at tumama rin sa binti ni Villanueva.

Kasalukuyang naka confine ang dalawa sa Caba District Hospital at patuloy na nagpapagaling.