Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad.
Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay residente ng siyudad.
Batay naman sa datos, 57 sa mga ito ay fully vaccinated, dalawa ang ang naka first dose at 23 ang hindi pa nababakunahan.
Ayon kay Mayor Belmonte, batay sa datos, 82 sa mga infected officers mula sa Station 3 Police Community Precincts 1 and 2, 74 dito uniformed personnel, apat civilian employees, at apat na police aides.
Habang ang natitirang 102 police officers at non-uniformed personnel ng Station 3 ay isasailalim din sa re-swabbing matapos ang isang linggo bilang precautionary measures.
42 sa mga ito ang tinukoy na naging close contacts ng mga nag positibo na mga police officers at kasalukuyang isolated sa Camp Karingal habang hinihintay na sumailalim sa swabbed test.
Habang ang 60 na iba pa ay hindi na exposed ay magpapatuloy sa kanilang duty.
Ayon kay QCPD Deputy Director for Administration Col. Ferdinand Navarro hindi maaaring umalis at umuwi ang mga nasabing personnel hangga’t hindi lumalabas ang kanilang swab test results.
Binigyang-diin ni Navarro, kanila itong paraan para masiguro na hindi na kakalat ang virus.
Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ongoing sa ngayon ang focused testing sa QCPD para matukoy at ma-isolate para mabigyang na kaukulang medical assistance ang mga infected ng virus.
Inihayag naman ni Mayor Belmonte na ang city government ang siyang magbibigay ng pagkain sa loob ng 10 araw sa 220 na mga indibidwal na nakakulong sa Station 3 dahil hindi pinapayagan ang bisita sa istasyon.
Isasailalim din sa contact tracing ang mga inmates.
Nagsagawa na rin ng disinfection at decontamination ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa tatlong police stations.