Life goes on para kay Catriona Magnayon Gray, dalawang araw matapos ipasa ang Miss Universe crown sa Kay Zozibini Tunzi ng South Africa.

Katunayan ay nakabalik na ito sa Pilipinas kaninang umaga at nagpaunlak ng panayam sa media.

Ayon sa 25-year-old Australian beauty na tubong Bicol, mapapabilang siya sa management ng Cornerstone Entertainment.

“I was saying to Erickson (Raymundo, head ng Cornerstone ) kanina na that there were these so many years that since I was maybe 18 years old that I’ve always been dreaming about pursuing music and always getting put off or push to the side. Actually now that I get to pursue it, oh my goodness it’s like another dream that I’ll be able to see in my views,” ani Gray.

Magkakaroon din siya ng pulong sa nasabing kompanya para sa mga magiging proyekto nito bago mag-Christmas vacation kasama ang pamilya.

Nilinaw naman ng pang-apat na Pinay Miss Universe na itutuloy pa rin niya ang kanyang charity work sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga benefit concerts.