Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi hinahayaan ng militar ang pagbabantay laban sa terorismo.
Sa harap na rin ito ng kanilang pagpokus sa malawakang relief and rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng dalawang nagdaang bagyo.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo, pinakilos na ni AFP Chief Gen. Gilbert Gapay ang lahat ng sea, air at land assets ng militar para mag-transport ng mga relief goods, construction materials, at iba pang mga heavy equipment, para sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyo.
Katunayan, nitong Martes ay bumiyahe na sa Catanduanes ang isa sa barko ng Philippine Navy, ang BRP Tarlac bitbit ang 255 toneladang mga relief good at construction materials.
Gayunman, nagbabala si Arevalo sa mga masasamang loob na hindi ibinaba ng AFP ang kanilang kahandaang rumesponde sa pagsalakay ng mga terorista.
Lagi aniyang handa ang AFP na pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan sa anumang banta.