Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na plano nitong magtatag ng refueling facility sa isa sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa Lal-lo Airport sa Cagayan.
Sa gitna ito ng pangangailangang mas pabilisin pa ang konstruksyon ng mga pasilidad sa naturang site.
Ayon sa AFP, sa ngayon kasi ay ang Lal-lo Airport ang nagsisilbing refueling sites para sa mga sasakyang panghimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos dahilan kung bakit kinakailangan talaga na magkaroon na ng overhead refueling facility.
Samantala, ngayong araw ay binisita nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang Lal-lo, Cagayan upang personal na inspeksyunin ang Lal-lo Air Base na isa sa apat na dagdag EDCA sites sa pagitan ng kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Bukod sa pagtatatag refueling facility ay pinag-iisipan din ng mga kinauukulan na gamitin ang naturang lugar para sa pagsasagawa ng humanitarian assitance and disaster relief operations kung kinakailangan.