-- Advertisements --

Sentro ng atensyon ngayon si Louis Prevost, nakatatandang kapatid ni Pope Leo XIV, dahil sa kanyang mga kontrobersyal na social media posts na naglalaman ng mga panlalait at matitinding opinyon laban sa mga pulitiko at grupong hindi sumusuporta kay Donald Trump.

Kabilang sa kaniyang mga post ay matinding pagbatikos sa mga magulang ng transgender na anak, pati na rin ang pagtawag ng masasakit na salita kay dating House Speaker Nancy Pelosi at iba pang democrats.

Sa kabila ng pagiging bagong pinuno ng Simbahang Katoliko, si Pope Leo XIV ay nanawagan para sa kapayapaan at pagkakaisa, hinihikayat ang publiko na umiwas sa bangayan ng salita at mga kahalintulad nito.

Marami sa mga post ni Louis ay tinanggal o nilagyan ng label bilang “false information” ng social media giant na Facebook.

Bagama’t sinabi niyang hindi niya nais makaapekto sa reputasyon ng kaniyang kapatid, patuloy na iniimbestigahan ang kanyang matagal nang kontrobersyal na online presence.