Isang panalo na lang ang kailangan ng Oklahoma City Thunder upang tuluyang umusad sa western conference finals.
Tinalo ng Thunder ang Denver Nuggets sa Game 5 at ibinulsa ang 3-2 lead laban sa 2023 NBA champion.
Hindi naging sapat ang bigtime performance ni Nikola Jokic na gumawa ng 44 points, 15 rebounds performance.
Sa halip ay nanaig team effort ng Thunder sa pangunguna ng star guard na si Shai Gilgeous-Alexander na gumawa ng 31 points at pitong assists.
Anim na Thunder player ang gumawa ng double-digit score sa Game 5 win ng koponan, kasama na ang clutch performance sa huling limang minuto ng laban kung saan ilang beses na lumamang ang Denver.
Bagaman naging gitgitan ang opensa sa pagitan ng dalawang koponan, nagawa ng Thunder na panatilihin ang 50% shooting percentage habang sa 3-point line ay napanatili rin nito ang impresibong 41.4 (12/23).
Babalik naman sa homecourt ng Nuggets ang Game 5 habang kung aabot sa winner-take-all Game 7 ay muli itong babalik sa court ng Thunder.