Humingi na ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na batikusin ang minanipulang larawan sa mga sumukong New People’s Army (NPA) sa Masbate.

Sinabi ni Major Ricky Aguilar, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, na ang ginawa nilang pag-photoshop ay para matiyak ang kaligtasan ng mga sumukong NPA.

Tiniyak nito na hindi na mauulit pa ang nasabing pagkakamali.

“We apologize for the honest mistake. We are hoping for your kind understanding,” ani Aguilar.

Nauna rito, umani ng batikos ang larawang ng mga sumukong NPA kasama ang mga baril na kanilang ipinasakamay sa AFP, matapos na mapansin ng marami na ito ay “edited.”

Ph Army photoshopped
(c) also from Philippine Army 9th Infantry Division