-- Advertisements --
arevalo2
AFP spokesperson B/Gen. Arevalo

Nilinaw ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na hindi lamang nakapokus sa combat operations ang ilulunsad na all-out war laban sa komunistang New Peoples Army (NPA) kundi kasama na rin dito ang law enforcement operations kung saan target ang mga NPA members na may warrant of arrests.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine BGen. Edgard Arevalo, ang all out war na ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ay kakaiba na ito sa mga nagdaang all out war operations, sa ngayon kasi whole of nation approach ang ipapatupad ng security sector kasama ang ibat ibang ahensiya ng pamahalaan para tapusin na ang rebeldeng NPA.

Paglilinaw naman ni Arevalo, deliberate, surgical and precise ang mga lugar na magiging target ng kanilang military operations kaya malabong magkaroon ng collateral damage.

Samantala, sa panig naman ng PNP, tututukan ng pambansang pulisya ang mga wanted at may warrant of arrests na miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, agad nilang sasampahan ng kaso ang mga mahuhuling rebelde na sangkot sa mga krimen ng sa gayon mapanagot sila sa kanilang kasalanan.

Sinabi ni Banac maglulunsad din nila ng police operation laban sa komunistang rebelde.

Mahigpit din nilang imomonitor anggg mga top NPA leaders na ay mga warrant of arrest.