-- Advertisements --

Nakatala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 41 Chinese vessels sa apat na pangunahing maritime features sa West Philippine Sea sa unang linggo ng 2026, mas mataas kaysa sa dating weekly average na 25.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, walo ang Chinese vessels sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), 14 sa Ayungin Shoal, 13 sa Escoda Shoal, at anim sa Pagasa Island, kabilang ang mga barko ng PLA Navy, China Coast Guard, at maritime militia.

Ani Trinidad, mas agresibo na ngayon ang presensya ng China, at mas malapit na sila sa mga barkong kalahok sa multilateral maritime activities ng mga kaalyado. Bagama’t walang iniulat na agresibong aksyon hanggang Enero 12, sinabi ng Philippine Coast Guard na inangkas ng Chinese vessels ang Filipino fishing boat na “Prince LJ” sa Bajo de Masinloc, ang unang reported harassment sa 2026.

Nagpapatuloy ang Philippine Navy, PCG, at BFAR sa mas mahigpit na koordinasyon at dagdag na patrol sa West Philippine Sea. (report by Bombo Jai)