Nakapagtala ng 48 Covid-19 fatalities ang Armed Forces of the Philippines (AFP) as of March 21,2021.
Mas mataas ito kumpara sa datos ng Philippine National Police na mayruong 36 fatalities dahil sa Covid-19 infection.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso, isinailalim sa total lockdown ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang buong Kampo Aguinaldo.
Ang AFP ay mayruong 7,342 total Covid-19 cases; 870 dito ay active, 6424 ang recovered habang 48 ang nasawi.
Ayon kay Sobejana mananatiling naka lock down ang Camp Aguinaldo hanggang sa ma contained ang virus at maging maganda ang health situation.
Sa loob lamang ng limang araw mula March 17 hanggang March 21 nagkaroon ng 83 na bagong kaso ng Covid-19 sa Camp Aguinaldo dahilan para isailalim ni Gen. Sobejana sa lockdown ang buong kampo.
Restricted sa ngayon ang entry and exit ng lahat ng AFP personnel at maging ang mga manggagawa ng mga concessionaires sa loob ng General Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Lahat ng military personnel ay mananatili sa loob ng kampo, maaari lamang silang lumabas ng kampo kapag mayruong proper authority.
Nilinaw naman ni Sobejana na ang mga mayruong official transactions sa loob ang papayagang makapasok.
Kasama din sa lockdown ang mga pamilya at dependents ng mga military personnel na nakatira sa loob ng kampo.
Ang mga may edad na 21 hanggang 59 years old na mga essential workers ang maaaring lumabas sa military-provided housing facilities.
Sa kabila ng lockdown tuloy pa rin ang operasyon ng bawat units and offices kung saan nananatili sa 50% ang work force ng bawat opisina.
Nagpatupad na rin ng work from home duty ang AFP.
” Nag declare kami ng lockdown dahil medyo alarming na yung pag spike ng number of Covid-19 cases, so mga control measures ito para mapigilan natin yung Ingress at Egress ng mga tao sa kampo,” pahayag ni Sobejana sa panayam ng Bombo Radyo.