-- Advertisements --

ayungin2

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanila ng pinaghahandaan ang nakatakdang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Hindi naman sinabi ng AFP kung kailan ang gagawing resupply mission.

Tumanggi din idetalye ni Aguilar kung ano ang mga paghahanda na gagawin ng militar kasama ang Philippine Coast Guard sa gagawing resuppply mission.

Magugunita na naudlot ang resupply mission matapos binomba ng water canon ang barko na magdadala sana ng mga supply goods.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na may mga paghahanda ng ginagawa ngayon ang militar para sa panibagong RORE mission para sa mga sundalong naka deploy sa barko at mapanatili ang presensiya natin sa Ayungin Shoal.

Una ng kinondena ng Pilipinas ang ginawang pag water cannon ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

“This exercise of our sovereign rights and jurisdiction is a testament to the full belief in the rules-based international order that underpins regional peace and stability,” he said, noting that the Ayungin Shoal “holds strategic importance for the Philippines,” pahayag ni Col. Aguilar.

Binigyang-diin naman ni Col. Aguilar na suportado ng AFO ang anumang mga hakbang patungo sa peaceful settlement at disputes.

Nananawagan naman ang militar sa lahat ng partido na sumunod sa lahat ng obligasyon sa ilalim ng international law at respetuhin ang sovereign rights ng Pilipinas at jurisdiction nito sa maritime shoals.

Muling binigyang-diin ni Aguilar ang babala sa China Coast Guard na mag behave habang nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

“They should not do any action that will endanger the people’s lives,” pahayag ni Aguilar.