-- Advertisements --
AFP
AFP/ FB post

Ibinaba na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alerto sa Blue alert mula sa Red alert status epektibo alas -12:00 ng tanghali ng Miyerkules.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine BGen. Edgard Arevalo ibabalik lamang nila sa normal status ang kanilang alerto kapag naiproklama na ang mga nanalo para sa national positions.

“Blue Alert is still an alert status whereby 50% of the personnel should be inside camp. Prepared for any contingency in both cases,” paliwanag ni Arevalo.

Panawagan naman ni AFP Chief of staff General Benjamin Madrigal, Jr. sa publiko na tapusin na ang mga isyu sa nakalipas na halalan at magkaisa para sa mas maunlad na Pilipinas.

Matatandaang 98,000 na mga sundalo ang ideneploy ng AFP para tumulong sa PNP sa pagbibigay ng mahigpit na seguridad para sa nakalipas na eleksyon.

Sa assessment ng AFP, generally peacefull sa kabuuan ang halalan kahit may mga naitalang mga election related incidents.

Ayon naman kay 6th Infantry Division Commander, MGen. Cirilito Sobejana ginawa nila ang lahat para maging maayos at mapayapa ang halalan.

Itinuturing naman na isolated cases ni Sobejana ang mga insidente ng pagsabog.

Aniya, pananakot lamang ito at walang intensiyon na makapagpanakit ng tao.