-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang banta ng tsunami kasunod ng tumamang magnitude 7.5 na lindol sa may east coast ng Kamchatka, Russia.
Inisyu ng ahensiya ito ilang minuto matapos yanagin kaninang alas-10:38 ng umaga ang naturang bansa.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol sa lalim na 10 kilometro.
Sa kabila nito, nagbabala ang ahensiya na posible ang mapanganib na tsunami sa mga baybaying nasa loob ng 300 kilometers ng episentro ng lindol.
Bagamat nilinaw ng ahensiya na walang banta ng tsunami sa Pilipinas at ang naturang abiso ay inisyu para sa information purposes lamang at walang kinakailangang kaukulang aksiyon.