-- Advertisements --
arevalo
AFP spokesperson BGen. Edgard Arevalo

Mga seasoned 3 star generals ang inirekomenda ng AFP Board of Generals para pagpipilian ng Pang. Rodrigo Duterte na maging susunod na AFP chief-of-staff.

Ito’y kasunod sa nakatakdang pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief of staff General Benjamin Madrigal sa darating na September 28,2019.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, pinili kasi ni Madrigal na gawing maaga ang turn-over of command na nakatakda sa darating na September 24,2019.

Sinabi ni Arevalo, ipinasa na ng AFP kay Defense Secretary Delffin Lorenzana at naisumite na sa Malacanang ang short list.

Sa nasabing shortlist pipili si Pang. Rodrigo Duterte kung sino ang maging susunod na pinuno ng AFP.

Tumanggi naman pangalanan ni Arevalo kung sinu-sino ang nasa shortlist.

Kabilang sa mga kandidato para sa susunod na chief of staff ay ang mga major services commanders at mga unified commanders.

Para kay outgoing AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr., ang susunod na maging pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas ay dapat may alam sa kampanya ng militar, lalo na ang problema sa insurgency, terorismo at peace process sa Bangsamoro region.

” Hindi naman ako ang mag recommend, ang ating Presidente, pero para sa akin personally, he is somebody should be adept on the campaign na ginagawa natin at sa mga current and other challenges,” wika ni Madrigal.