Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Benjamin Madrigal na magpapalit na sila mula sa combat mode tungo sa election mode.
Ayon kay Madrigal, magiging prayoridad muna ng AFP ang pag-secure sa halalan at second priority pansamantala ang internal security operations.
Pero hindi aniya ito nangangahulugan na ititigil ng AFP ang mga operasyon laban sa New People’s Army, local terrorist groups at private armed groups.
Sisiguraduhin aniya ng militar na walang idedeklarang failure of elections.
In-placed na rin ang mga tropa at nakalatag na ang kanilang contingency measures sakaling magkaroon ng worst case scenario.
Walang mga sundalo ang magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) kaya malinaw sa kanilang mandato na magbibigay ang mga ito ng perimeter security.