LAOAG CITY – Iginiit ni Atty. Carlos Isagani Zarate, Human Rights Lawyer sa bansa na ang pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mas lalong nakasira sa kanyang kaso sa International Criminal Court a crimes against humanity hinggil sa madugong kampanya laban sa droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ni Atty. Zarate matapos ibasura ng Korte Suprema nga hiling ni dela Rosa na Temporary Restraining Order sa arrest warrant ng International Criminal Court laban sa kanya.
Sinabi ni Zarate na ang pagtakas ni dela Rosa matapos binigyan ng protective custody ng senado ay nagpapakita lamang na walang respeto sa batas at sa mga proseso.
Inihayag pa ni Zarate na gusto ni dela Rosa na humingi ng tulong sa Korte Suprema perso tinatakasan niya ang kanyang mga responsibilidad.
Dahil dito, nananawagan si Zarate kay dela Rosa na sumuko na para gumulong ang kanyang kaso sa International Criminal Court at mabigyan ito ng due process at para din sa paggulong ng accountability at hustisya para sa mga naging biktima ng war on drugs ng dating administrasyon.
Ipinaalala pa ni Zarate ang palaging sinasabi noon nina Senador Dela Rosa na wala silang kinakatukan dahil wala silang kasalanan at harapin nila ang kaso sa tamang panahon, kung saan iginiit ng Human Rights Lawyer na ito na ang tamang panahon.
















