-- Advertisements --
Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pagpatay sa isang news anchor at komentarista ng local radio station sa Pikit, Cotabato.
Ayon sa imbesigasyon ng polisya, papasakay na sana sa motorsiklo ang biktima sa labas ng barangay hall nang siya ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa pahayag ni Executive Director Jose Torres Jr., sinabi ng Presidential Task Force on Media Security na dapat agarang imbestigahan ang krimen at panagutin ang mga nasa likod nito.
Dagdag pa ng ahesya, ang anumang karahasan laban sa mga mamamahayag ay banta hindi lamang sa press freedom kundi pati na rin sa karapatan ng publiko sa impormasyon. (Report by Bombo Jai)
















