Nagpahayag ng pagkabahala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa nanyaring barilan sa loob ng Senate premises noong Miyerkules, May 15, 2026.
Sa mensaheng inilabas ng grupo ng mga abogado, nakasaad dito ang kanilang pagkabahala sa nangyari sa naturang kapulungan na nagsisilbing ‘cornerstone’ of democracy sa bansa.
Ang bayolenteng nangyari sa loob ng naturang institusyon, ayon sa grupo, lalo na sa harap ng napipintong pagsisilbi ng warrant laban kay Sen. Ronald Dela Rosa, leadership change, at ng impeachment proceedings, ay nagbabanta sa kabuuan ng Republika ng Pilipinas.
Bagaman patuloy pa ring bineberipika ang katotohanan sa likod ng insidente, nanindigan ang IBP na hindi dapat isinasantabi ang buong kaganapan.
Kasabay nito ay umapela ang IBP sa Senado na magpatuloy pa rin ito sa constitutional duties nito.
Ayon sa grupo, hindi dapat mapipigilan ang mataas na kapulungan na gawin ang mandato nito sa kabila ng nangyaring kaguluhan kamakailan. Dapat ay tugunan nito sa lalong madaling panahon ang mga nangyayaring isyu tulad ng pagtugon sa International Criminal Court warrant, impeachment proceedings, at ang pagpapatuloy ng kasalukuyang liderato.
Giit ng grupo, ang Senado ay dapat tumindig laban sa ‘fictional interests’.
Tiniyak din ng IBP na mananatili itong nagbabantay, magdodokumento, at magmomonitor sa mga pangyayari nang walang takot o pinapaburan. (report by Bombo Jai)
















