-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) AFP chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Baccaro sa pamunuan ng Philippine Navy na gawin ang lahat para protektahan maritime domain ng bansa laban sa mga panghihimasok ng dayuhan.

Ginawa ni Baccarro ang pahayag sa isinagawang Talk to Troops ng bisitahin nito ang headquarters ng Philippine Navy.

Ayon kay Chief of Staff, isa sa guidance ng Pangulong Bongbong Marcos sa AFP na panatilihin ang sanctity lalo na ang sovereignty at territorial integrity ng bansa.

“It is very imperative that we should continue to protect, defend, and secure maritime domain against all foreign intrusions while vigorously pursuing awareness in the surface, sub-surface, and airspace up to the high seas and beyond,” pahayag ni Lt.Gen. Baccarro.

Kasunod ng appointment ni Baccarro bilang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, nag-iikot ito sa ibat ibang military camps sa buong bansa.

Sa ngayon ang Pilipinas ay mayruong ongoing territorial dispute sa China sa West Philippine Sea na matatagpuan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ).