-- Advertisements --

Baccaro1

Naigawad na ang ika-apat na estrelya o 4-star insignia kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Jose Faustino Jr. na ngayo’y full pledged 4-star general na.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa donning of ranks kay Faustino kasabay na rin ng pagbisita nito sa Albay kahapon.

Maliban kay Faustino, iginawad na rin ng Pangulong Duterte ang ikatlong estrelya kay Southern Luzon Command (SOLCOM) chief Lt. Gen. Bartolome Bacarro na kabilang sa limang opisyal ng AFP na nabigyan ng pagkakataong maitaas ang ranggo.

Dahil diyan, bibigyan ng kaukulang parangal si Faustino bilang ika-56th chief of staff ng AFP bukas, October 8, 2021 sa General Headquarters sa Kampo Aguinaldo, Quezon City.

Si Faustino ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988.

Pinalitan ni Faustino si retired Gen. Cirilito Sobejana na mula naman sa PMA Hinirang Class of 1987 na nagretiro na noong buwan ng Hulyo.

Gayunman, apat na buwan lang na pamumunuan ni Faustino ang AFP dahil nakatakda din itong magretiro sa serbisyo sa November 12, 2021.