-- Advertisements --

Kinumpirma ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang ulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na dumami ang mga Chinese vessel sa bahagi ng West Philippine Sea nitong panahon ng pandemic.

Batay sa report, sinasamantala umano ng mga Chinese ang pandemic upang tuluyang masakop ang pinag-aagawang territoryo sa South China Sea.

Ayon kay Gapay, namo-monitor na ng AFP ang mga nasabing barko dahil may mga kagamitan na ang militar para masundan ang mga ito.

Bagama’t may pagdami nga ng mga barkong naglalayag sa tinaguriang disputed islands, umiiral pa rin ang right of innocent passage sa mga barko lalo’t karamihan sa mga ito ay mga fishing vessel.

China Spratlys West PH sea kagitingan

Pagtitiyak pa ni Gapay, mahigpit nilang tinututukan ang aktibidad ng mga Chinese vessel anuman ang kanilang pakay basta’t iginagalang pa rin ng mga ito ang soberanya ng Pilipinas sa disputed territories.

“There are some intrusions in our territorial waters that were monitored and our armed forces challenged them ano, tsinachallenge natin itong vessels which are entering our territorial waters although we are governed by maritime laws,yung ating lahat ng movements diyan sa West Phil Sea are governed by maritime laws and meron tayong tinatawag na right of innocent passage then when they enter our territorial waters mayroon tayong protocols na they have to, magpapaalam sa atin ano, and of course kasama na diyan yung kanilang intention so ito yung mga activities natin diyan in assertion of our sovereignty and protection of our territorial integrity diyan sa West Phil Sea,” wika pa ni Gen. Gapay.

Kabilang sa mga barko ng China na na-monitor sa West Phil. Sea ay mga research at fishing vessels na hindi naman itinuturing na hostile activities.

Aniya, sa pamamagitan ng mga littoral monitoring stations, namo-monitor ng AFP ang mga barko na pumapasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas bukod sa regular maritime and aerial patrols.

“We have now an enhanced maritime domain awareness capability so lahat ito ay part ng ating pagprotect at pagpreserve ng ating territory diyan sa West Phil Sea,” dagdag pa ni Gapay.