-- Advertisements --
Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo.
Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy ngayong buwan.
Kabilang din ang AFC Solidarity Cup at AFC Futsal Club Championship UAE 2020 ang kinansela.
Itutuloy naman sa Setyembre 14 ang AFC Champions League na unang itinakda pa noong Marso sa Qatar.