Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na mas pipiliin niyang maharap sa kasong libel kaysa maiugnay sa sex trafficking, kasunod ng ulat na pinag-iisipan ng kampo ni Apollo Quiboloy na magsampa ng libel at cyberlibel complaints laban sa kaniya.
Ayon kay Cendaña, nag-ugat umano ang banta sa kaniyang paninindigan na paniwalaan ang testimonya ng mga umano’y biktima ni Quiboloy, kabilang ang mga alegasyon ng human trafficking at sexual abuse.
Nanawagan din ang mambabatas na mai-extradite si Quiboloy sa United States upang doon harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.
Gayunman, iginiit ng kampo ni Quiboloy na tututulan nila ang extradition request ng us.
Samantala, kinumpirma ng legal team ni Quiboloy na nakatakda itong magsampa ng libel at cyberlibel complaints laban kina Cendaña, Sen. Risa Hontiveros at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima sa Pasig prosecutor’s office.
















