Maagang nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa harap ng Quezon City Hall para sa nakatakda nitong arraignment sa kasong grave threats ngayong Biyernes, Setyembre 11, 2026.
Mainit na sinalubong ng mga tagasuporta ang Ikalawang Pangulo sa kanyang pagdating sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kasama ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte.
Sa kabila ng mga kinakaharap na legal na usapin, nagpasalamat ang bise presidente sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.
Humarap si Duterte sa kanyang mga tagasuporta sa labas ng korte matapos hindi matuloy ang itinakdang pagbasa ng sakdal laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats.
Naganap ang pagpapaliban ng arraignment matapos maghain ang kampo nito ng petisyon para sa Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema upang patigilin ang pagdinig sa kaso.
















