ILOILO CITY – Mariing kinondena ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., ang nangyaring pagpasabog ng landmine sa Regional Mobile Force Battalion 6 sa Barangay Canawili, Janiuay, Iloilo

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi nito na may dadaluhan sana siyang inauguration ng proyekto sa nasabing lugar kasama ang Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay Defensor, sa huli ay minabuti niya na hindi dumalo sa event dahil kakarating lang niya mula sa Maynila.

Bagama’t walang nasugatan sa pagsabog, ipinag-utos pa rin ng gobernador sa Iloilo Police Provincial Office na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Narekober naman ang isang improvised explosive device sa pinangyarihan ng pagsabog.

-- Advertisement --