May sariling clothing brand na ang Hollywood actress na si Kate Hudson.

Inilunsad nito ang kaniyang ready-to-wear brand na Happy x Nature.

Nakatuon ang nasabing label nito bilang eco-friendly na may bohemian vibe na kinabibilangan ng skirts, dresses at jeans.

Umaabot naman sa presyo mula $50 hanggang $200 o mula P2,600 hanggan P10,000.

Sa kaniyang Instagram account makikita ang iba’t-ibang uri ng mga damit na kaniyang ibinebenta.