Pumanaw na ang actor na si Saginaw Grant sa edad 85.

Kinumpirma ito ng kaniyang publicist na si Lani Carmichael subalit hindi na nito binanggit ang sanhi ng kamatayan ng actor.

Nakilala ang prolific Native American sa pagganap nito sa “Breaking Bad” at pelikulang “The Lone Ranger”.

Unang pelikulang ginawa nito ay ang “War Party” noong 1988 kasama ang actor na si Kevin Dillon.