-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ngayon ng American actor na si George Clooney matapos na makakuha ng kauna-unahang nominasyon sa Tony Awards.

Kabilang kasi siya bilang best actor nominee sa pagganap niya sa Broadway show na “Good Night, and Good Luck” .

Makakatunggali nito sina Pussycat Dolls singer Nicole Scherzinger sa pagganap niya ng “Sunset Blvd”, Sarah Snook sa “The Picture of Dorian Gray” at si Bob Odenkirk sa show na “Glengarry Glen Ross”.

Ayon sa beteranong Hollywood actor na wala siyang masasabi dahil sa hindi niya akalain na mapapabilang siya.

Pinasalamatan nito ang mga nakasama sa play dahil sa ganda ng talento na ipinakita nila.