-- Advertisements --

Nagpahayag ng pangamba si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa posibleng pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport at pagtaas ng pamasahe sa eroplano.

Sinabi ni Castro matapos ang nangyaring technical glitch sa NAIA nitong January 1, ipinapanawagan ang pagsa pribado sa nasabing paliparan.

Hindi maiwasan ni Castro na magduda sa timing ng naturang ‘air traffic system glitch’ kasunod ng anunsyo ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista noong Dec. 30 ukol sa plano ng administrasyon na isapribado ang NAIA.

Dismaydo si Castro na mukhang todo ang pagtutulak muli sa privatization ng mga key assets at services ng gobyerno na wala na namang konsultasyon sa mamamayan na papasan ng dagdag bayarin o singil.

Ayon kay Castro, sana ay natuto na ng leksyon ang gobyerno na ang privatization ay tiyak nagreresulta sa mas mataas na singil sa consumers katulad ng pagsasapribado sa water distribution na nagpataas sa water rates.