Alaska Aces
Alaska Aces

Nakuha ng Alaska Aces ang kanilang dalawang sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup matapos ilampaso ang Magnolia Hotshots 103-80.

Pinangunahan ni Chris Daniels ang panalo ng Aces na nagtala ng 23 points habang mayroon 17 points si JVee Casio habang mayroong 12 points si Jeron Teng.

Umabot pa sa 28 points ang naging kalamangan ng Aces sa Magnolia.

Mayroon na ngayon ang Aces na tatlong panalo at dalawang talo.

Sinabi naman ni Aces coach Alex Compton, sinamantala nila ang naging kapaguran at kawalan ng paghahanda ng Magnolia.