-- Advertisements --
Alaska
Alaska Aces/ PBA image

Pasok na sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup ang Alaska Aces matapos talunin ang NLEX 106-90.

Pinangunahan ni Franko House ang panalo ng Aces na nagtala ng 24 points.

Naging malaking hamon para sa Aces ang panalo dahil nagsimulang mahina sa conference.

Naipanalo ng Aces ang lima sa anim na huling laro.

Labis ang kasiyahan ni Aces coach Jeffrey Cariaso dahil naging sulit ang ginawang ensayo ng kaniyang koponan noong nakaraang mga araw kung saan naka-focus sila sa quarterfinals.

Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Manny Harris at 19 points ni Poy Erram.