-- Advertisements --

Kinondena ng Department of Foreign Affairs o DFA ang China coast guard matapos bumangga sa Barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Magat Salamat sa West Philippine Sea nitong Biyernes.

Ayon sa DFA, nagdulot ng pinsala sa barko at panganib sa civilian crew ang insidente.

Iginiit ng ahensya na walang sapat na dahilan para magsagawa ang Chinese vessel ng naturang aksyon laban sa Philippine civilian law enforcement vessel.

Sinabi ng DFA na nagsasagawa lamang ang BRP Datu Magat Salamat ng legal at routine humanitarian activities para suportahan ang mga Filipino fisherfolk sa West Philippine Sea.

Inilarawan ng DFA ang ginawa ng China coast guard bilang “Illegal, coercive, aggressive and dangerous,” at sinabing hindi ito naaayon sa international law, kabilang ang UNCLOS, 2016 arbitral award, the 1972 international regulations for preventing collisions at sea (COLREGS), and the 1974 safety of life at sea convention (SOLAS) convention.

Nanawagan ang Pilipinas sa China na igalang ang sovereign rights ng bansa sa loob ng exclusive economic zone nito, magpakita ng restraint at iwasan ang mga hakbang na maaaring magpalala sa tensyon sa rehiyon.