-- Advertisements --

Inatasan ngayon ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na magsagawa ng
accounting sa lahat ng police personnel na may mga kamag-anak na tatakbo sa nalalapit na 2022 election.

Siniguro ni Eleazar na mananatiling walang kinikilingan at walang pinoprotektahan ang PNP.

Sinabi ni Eleazar na kanilang pag-aaralan ang paglipat sa mga sa ibang assignment o ibang lugar kung saan wala silang kamag anak na kakandidato.

Base sa mga nakalipas na eleksiyon, sinabi ni Eleazar na may mga reklamo silang natanggap na may mga pulis na nangangampanya umano para sa kanilang kamag anak sa sakop sa kanilang area of responsibility.

Giit ni PNP Chief, ayaw na nito maulit na may mga reklamo na may kinikilingang pulitiko ang ilan sa kanilang mga tauhan.

Muling binigyang-diin ni Eleazar na ang PNP ay mananatiling apolitical.

Samantala, payapa at maayos ang nagpapatuloy na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) nationwide.

Ayon kay PNP Chief , pinaghandaan nila ang paglalatag ng seguridad sa panahong ito pero mahigpit ang kanyang bilin sa kanyang mga tauhan na manating vigilant at tiyaking mahigpit na nakabantay.

Ayon naman kay PNP Directorate for Operations Lt Gen. Israel Ephraim Dickson, as of today walang naiulat na mga untoward incidents sa ibat ibang regional police offices sa buong bansa.