Bumida si Calvin Abueva sa panalo ng Phoenix laban sa NLEX 114-110.

Nagtala ito ng 21 points, 13 rebounds at pitong assists para maitala ng Fuel Masters ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation gym.

Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing laro na itinuturing na unang laro matapos na tanggalin na ang suspension.

Bukod pa kay Abueva ay naging susi sa panalo ng Phoenix si Matthew Wright na mayroong 28 points habang mayroong 20 points at 13 rebounds si Jason Perkins.

Umabot pa sa 14 na kalamangan ng NLEX sa third quarter hanggang magtala ng 10-0 run ang Phoenix.